EVENT | Libreng Hearing Test para sa mga Kawani at Estudyante ng UPM at PGH

 

Mula sa UP-PGH Department of ORL-HNS, Master of Clinical Audiology, at Philippine National Ear Institute

 
Sama-sama nating ipagdiwang ang WORLD HEARING DAY ngayong Marso 2023! 
Ang PGH Ear Unit ay mag-aalok ng LIBRENG HEARING TEST para sa mga empleyado, kawani, at mag-aaral ng UP Manila at Philippine General Hospital simula March 1, 2, 3, 8, 9, at 10.

Ang hearing test ay bukas para sa lahat ng taga-UPM at PGH, ngunit mas hinihikayat na magpa-test ang mga sumusunod:
- Kung kayo ay nahihirapan makinig sa TV, radyo, o habang nakikipag-usap sa iba
- Kung may nararamdamang ugong o paghuni sa tenga (ringing or buzzing in the ears)
- Kung parating exposed sa malakas na tunog (halimbawa madalas na paggamit ng earphones, pagtrabaho malapit sa construction o makinarya)
- Kung ang edad ay 60 pataas

Maaring i-scan ang QR code sa poster o i-click ang link para mag-register: bit.ly/upmfreehearingtest
 
Pagkatapos magregister, maghintay ng tawag para sa kumpirmasyon ng skedyul.
Tamang pangangalaga ng tenga at pandinig para sa lahat... Sama-sama natin itong isakatuparan!

#worldhearingday #hearingcare